Home
22 May 2018 Tuesday
No connection from BSP
Open an Account for only 500 Pesos!



Welcome to our new AGRIBANK Website!

PAALALA UKOL SA BSP CIRCULAR 863

Sa Aming Mga Depositor,

Ang Bangko Sentral ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Circular 863 ay nagsasaad na ang perang papel na nabibilang sa New Design Series (NDS) na may denominasyon na P5, P10, P20, P50, P100, P200, P500 at P1,000 ay babawiin na sa sirkulasyon at papalitan ng bagong pera na tinatawag na New Generation Currency (NGC) Series simula January 1, 2015.

Maaari ninyong ipalit ang perang nabibilang sa New Design Series para sa katumbas na halaga ng New Generation Currency Series sa  Bangko Sentral ng Pilipinas, o sa alin man sangay ng mga bangko sa Pilipinas gaya ng AGRIBUSINESS RURAL BANK na nag-ooperate ng 21 branches mula Luzon, Visayas at Mindanao simula January 1, 2015 hangang December 31, 2015.  Sa loob ng isang taon mula January 1, 2015, ang nasabing salaping papel na NDS ay mananatiling may bisa at maaring gamitin na pangbayad sa aling mang pagkakautang, pambili ng ano mang bagay na ginagamitan ng pera o sa alin mang transaksiyon na inyong ginagawa hangang December 31, 2015.

Simula January 1, 2016, ang nasabing salapi na kabilang sa NDS ay hindi na “Legal Tender” at hindi na maaring gamitin upang ibayad sa ano mang pagkakautang, subalit ito ay tatangapin pa rin upang papalitan ng kaparehong halaga ng BSP o ng alin mang bangko sa bansa na walang anumang dagdag na charges hanggang sa huling araw ng 2016.  Pagkatapos ng December 31, 2016, ang pagpapalit ng nasabing perang papel na NDS ay hindi na tatangapin ng BSP o ng alin mang bangko sa bansa.

Ang paalalang ito ay handog sa inyo ng AGRIBANK, your rural bank that cares!