FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ABOUT THE 60-DAY GRACE PERIOD UNDER THE BAYANIHAN ACT

Alinsunod sa ipinatupad na Bayanihan To Recover As One Act (Bayanihan 2), lahat ng kliyente na mayroong pagkakautang sa AGRIBANK na current ang status ng account (walang past due) bago mag September 15, 2020 ay kuwalipikadong makakapag-avail ng 60-Day Grace Period simula September 15, 2020 hanggan December 31, 2020.

Basahin ang aming Frequently Asked Questions (FAQ) sa ibaba para sa karagdagang impormasyon tungkol sa 60-Day Grace Period.

1. Sino-sino ang maaaring makapag-avail ng 60-Day Grace Period?

Lahat ng may pagkakautang sa AGRIBANK na current ang status ng account bago ang September 15, 2020. Ibig sabihin, ang mga accounts na walang past-due bago ang araw na September 15, 2020 ay awtomatikong magkakaroon ng karapatan upang mag-avail ng 60-Day Grace Period na handog ng Bayanihan 2.

2. Paano ini-aapply ang 60-Day Grace Period sa ilalim ng Bayanihan To Recover As One Act (Bayanihan 2)?

Ito ay ibinibigay lamang nang isang beses para sa ma kuwalipikadong kliyente. Mahigpit na ipinapatupad na hindi lalampas ng sixty (60) days ang grace period na ipagkakaloob sa bawat kliyenteng mag a-avail nito.

Ang pag-avail ng 60-Day Grace Period ay magreresulta sa Dalawang (2) buwan na pagkakaextend ng orihinal na termino ng inyong pagkakautang.

3. Kailan magpapatuloy ang pagbabayad ng regular na loan amortization?

Ang pagbabayad ng loan amortization ay magpapatuloy lamang sa susunod na due date pagkatapos ng 60-day Grace Period na ipinagkaloob sa mga kuwalipikadong kliyente.

4. Maaari bang hindi i-avail ang Grace Period?

Oo, maaaring hindi i-avail ang 60-Day Grace Period upang mapanatili ang orihinal na termino ng inyong pagkakautang.

5. Paano pag nagbayad pa rin ng loan amortization para sa buwan ng October at November?

Ang pagbabayad ng loan amortization sa naturang mga buwan ay naka depende pa rin sa inyo. Magsisilbing advance payment para sa buwan ng December at January ang loan amortization na inyong ibabayad para as buwan ng October at November.

Para sa mga nais magpatuloy ng bayad ng kanilang loan amortization para sa buwan ng October at November, maaari kayong magbayad sa accredited partner payment centers/channels ng AGRIBANK gamit ang inyong unique Loan ID. Ang mga sumusunod na payment centers/channels ay maaaring gamitin upang makapagbayad ng loan amortization:

  • 7 Eleven
  • Petron
  • USSC
  • Western Union
  • RD Pawnshop
  • Tambunting
  • at LCC
1 Comment

Comments are closed.

  1. Hi, this is a comment.
    To get started with moderating, editing, and deleting comments, please visit the Comments screen in the dashboard.
    Commenter avatars come from Gravatar.

©2021 Agribank Agribusiness Rural Bank. All Rights Reserved.

Log in with your credentials

Forgot your details?